Binigyan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng pitong araw ang ilang generation companies (GenCos) para magpaliwanag kasunod ng rotational brownout na nagresulta sa biglaang outage sa ilang planta ng kuryente sa Luzon.
Ayon kay ERC Chairperson at CEO Agnes Devanadera, ilang GenCos ang sumobra sa maximum allowable unplanned outage base para sa 2021.
Aniya, isa ito sa itinuturong dahilan kung bakit humina ang reserba ng Luzon Grid, na nauwi sa Yellow at Red Alert simula noong Lunes.
Giit ni Devanadera, sa ilalim ng Resolution No. 10, Series of 2020, itinatakda ang hangganan para sa unplanned outage sa kada planta ng mga enerhiya.
Facebook Comments