Kinumpirma ng Philippine Airlines (PAL) ang nangyaring runway excursion ng kanilang flight PR2369 sa paglapag sa Mactan Cebu International Airport kaninang tanghali.
Ito sa gitna ng masamang panahon sa Cebu.
Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, ligtas naman ang 29 passengers, 4 na crew members, 2 pilots at 2 cabin crewmembers at maayos itong nakababa ng eroplano.
Tiniyak naman ng PAL na tutulungan nila ang mga apektadong pasahero na mula pa sa Caticlan.
Agad naman na rumesponde ang airport authorities at ang nga tauhan ng Civil Aviation Authorities of the Philippines o CAAP para maibalik ang turboprop ng PAL Express sa runway surface.
Sa ngayon, hindi muna pinapayagan ang paglapag ng mga eroplano mula sa Manila dahil hindi pa tuluyang naki-clear ang runway.