Eroplanong bumagsak sa Maguindanao del Sur, sangkot sa surveillance at intelligence gathering —US Military

Inihayag ng US Indo-Pacific Command na gamit sa surveillance, reconnaissance support, pagkolekta at pagbibigay ng intelligence ang bumagsak na eroplano sa Maguindanao del Sur.

Ito ang inilabas na impormasyon ng US Embassy kung saan walang nakaligtas sa insidente.

Ayon pa sa US Indo-Pacific Command, nangyari ang insidente habang nagsasagawa ng routine o regular na misyon ang eroplano bilang suporta sa magkatuwang na aktibidad ng Pilipinas at Amerika.

Hindi pinangalanan ang apat na sakay na nasawi pero sa report ng US na kasama sa namatay ay miyembro ng militar ng Amerika at tatlong defense contractors.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano na kinontrata ng US Defense Department para tumugon sa hiling ng mga kaalyadong Pilipino na tumulong sa intelligence at surveillance operations.

Facebook Comments