Erwin Tulfo, nag-renew na ng kanyang LTOPF

Inaasikaso na ngayon ng brodkaster na si Erwin Tulfo ang pagre-renew ng kanyang License to own and Possess Firearms o LTOPF.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Oscar Albayalde sa Press conference sa Camp Crame.

Aniya, nitong nakalipas pa ng Linggo nang simulang asikasuhin ni Erwin Tulfo ang pagre-renew ng LTOPF.


Sa Camp Crame aniya ginagawa ni Tulfo ang proseso at dumadaan ito sa normal na proseso.

Hindi na rin daw kailangan isuko ni Tulfo ang kanyang mga baril dahil ongoing na ang pagproseso ng LTOPF nito.

Paliwanag ni Albayalde, ang LTPOF ni Tulfo ang expired at hindi ang lisensya ng kanyang mga baril kaya hindi na kailangan pang isuko ang kanyang mga armas.

Matatandaang nag-expire ang LTOPF ni Erwin Tulfo noong mga panahong binabatikos ito dahil sa pambabastos kay DSWD Sec. Rolando Bautista.

Facebook Comments