Eskwelahan sa Maguindanao nasunog

27

Nasunog ang isang gusali ng Pageda Elementary School sa bayan ng Talitay sa Maguindanao.
Sa impormasyong ibinatid sa DXMY-RMN Cotabato, inihayag ni Police Lt. Carl Centenaje, hepe ng Talitay Municipal Police Station, pasado alas 3:00 ng hapon kahapon nang makatanggap sila ng report na nasusunog ang isang gusali ng Pegeda Elementary school agad naman silang rumisponde at ipinagpapasalmat na lamang ni Lt. Centenaje na tapos na ang klase nang maganap ang sunog kaya’t walang mag-aaral na nasugatan sa insidente.
Ang nasunog na gusali ng Pageda Elementary School ay binubuo ng 4 na class rooms, ayon pa kay Lt. Cintenaje.
Nilinaw din ng opisyal na hindi maikokonoderang arson o sinadya ang sunog dahil wala naman umanong namataang indibidwal na umaaligid sa paaralan bago sumiklab ang apoy, posibleng faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog ayon pa kay Lt. Centenaje.(DAISY MANGOD)
CCTO PIC

Facebook Comments

From Advertisers