Eskwelahan sa Marilao, Bulacan – binulabog ng bomb scare

196

Bulacan – Binulabog ng bomb scare kaninang umaga ang AFG Bernardino Memorial Trade School sa Marilao, Bulacan.

Ayon kay PO1 Ferdie De Luna ng Marilao Police Station, nakatanggap ng text message ang head teacher ng naturang eskwelahan na mayroon umanong bomba sa lugar.


Agad na tumawag sa himpilan ng pulisya ang mga guro para ipagbigay alam ang insidente.

Rumesponde naman ang bomb squad ng Marilao Police at matapos ang kanilang paggalugad sa naturang paaralan ay idineklarang negatibo ang lugar sa bomba.
DZXL558

Facebook Comments