Isang Bulgarian national, arestado matapos mahulihan ng mga pekeng ATM cards

88

Quezon City – Arestado ang isang Bulgarian national matapos na mahulihan ng 15 pekeng ATM cards sa Quezon City.

Ito ay matapos na mapansin ng security guard ng isang bangko na maraming ginagamit na ATM card ang kinilalang suspek na si Orlin Grozdanov Stoev sa kanyang ATM transactions.


Nagtangka pang tumakas ang suspek nang sitahin ito pero agad ding naaresto ng mga awtoridad.

Napag-alaman na naaresto rin ang naturang suspek noong nakaraang taon sa Bulacan sa parehong paglabag pero agad ding nakalaya matapos makapag-piyansa.

Muling nahaharap ngayon si Stoev sa kasong paglabag sa Republic Act 8484 o ang access devices regulation act of 1998.
DZXL558

Facebook Comments