Manila, Philippines – Nagdulot ng takot sa mga residente at motorista ang isang kahina-hinalang bag sa Sampaloc, Maynila mag-aalas dose kaninang tanghali.
Kwento ng nakasaksi na si aling Flora, isang lalaki na nakasuot ng itim na long sleeve ang nakita niyang palinga-linga habang nasa waiting shed sa may panulukan ng Vicente Cruz at España Boulevard.
Maya-maya pa’y iniwan nito sa kalsada ang isang bag saka sumakay ng jeep.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng MPD-explosives and ordinance division pero napag-alamang mga damit lang ang laman nito.
Balik-normal na rin ang daloy ng trapiko sa lugar matapos isara ang kalsada dahil sa bomb scare.
DZXL558
Facebook Comments