Espesyal na mga Produkto ng Isabela, Suportado ng Provincial Government!

Cauayan City, Isabela – Laging handa ang Provincial Government sa mga espesyal na mga produkto ng bawat bayan sa lalawigan ng Isabela. Ito ang naging tugon ni Provincial Board Member Fred Alili ng 4th District at Chairman ng Committee on Trade and Industry kaugnay sa paglawak o paglago ng mga produkto dito sa Isabela.

Aniya, mas nabibigyan umano ng pansin sa ngayon ang mga grupo ng kababaihan na nagiging aktibo sa mga pagsasagawa ng mga espesyal na produkto sa ibat ibang bayan at lungsod kung saan nagbibigay umano ng puhunan ang provincial government upang higit na mapalago ito.

Kabilang din umano sa binibigyan ng pansin ang mga produkto ng mga magsasaka tulad ng palay at mais lalo na sa presyo ng mga gamit sa pagsasaka hanggang sa presyo sa panahon ng anihan.


Samantala, pinabulaanan ni BM Alili ang aligasyon na hindi na nagsasagawa ng sesyon ang provincial gavernment, kundi regular pa rin umano ito kung saan isinasagawa lamang ang sesyon sa guest house ng Provincial hall upang mas komportable ang lahat ng Board Members.

Facebook Comments