Establishments na nag-aambag ng polusyon sa dagat, lagot kay PRRD

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na wawasakin o kaya ay susunugin ang mga establisimiyentong sumisira sa kalikasan.

Ito ang kanyang binanggit sa kanyang ika-apat na SONA kasabay ng pagsusulong ng rehabilitasyon ng Manila Bay.

Sinabi ng Pangulo na planong ilipat sa mas maayos at ligtas na lugar ang mga informal settlers na nakatira sa mga estero at daluyan ng tubig.


Ipapasara rin niya ang mga establishment na nagtatapon ng kanilang mga dumi sa katubigan.

Ang Manila Bay Rehabilitation Program ay may tatlong bahagi: Clean up, rehabilitation at resettlement, at education/sustainment.

Tinatayang nasa 47 billion pesos ang inilaang pondo para sa proyekto sa loob ng tatlong taon.

Facebook Comments