Estrella Barretto sa ‘gustong sapakin’ ni Marjorie: I am the Inday she was referring to

8708
Image from Instagram/marjbarretto

Binasag na ni Estrella Barretto ang katahimikan niya tungkol sa isyung may nais saktan si Marjorie na nagngangalang ‘Inday’.

Batay sa ulat ng PEP.ph, nakita umano ng Barretto matriarch ang ngayo’y viral video nitong Linggo lamang ng hapon.


Hindi raw ito napanood agad ni Mommy Inday dahil “hindi siya techie”.

Sa bidyong inilabas ni Claudine, Sabado ng hapon, maririnig na sinasabi ng nakatatandang Barretto na “gusto niyang sapakin si Inday”. 

“I am the Inday Marjorie was referring to after a big fight in the hospital about the Subic home we own,” pahayag ni Estrella sa kaniyang private account sa Instagram.

Ayon sa madre de pamilya, nagulantang at sobrang nasasaktan na siya sa mga nangyayari.

Dagdag pa niya, ginagamit siya ni Marjorie bilang “damage control”.

Hiling niya sa anak, huwag nang idamay ang pangalan niya sa namuong alitan.

“I just learned about the video & my heart breaks. Marjorie Claudine said everything, pls don’t drag my name Marjorie.”

(BASAHIN: Marjorie Barretto sa bidyong inilabas ni Claudine: I’ll see you in court)

Matatandaang hinamon ng nakatatandang Barretto na patunayan nito sa korte ang mga ipinaparatang laban sa kaniya.

Facebook Comments

From Advertisers