Bayombong, Nueva Viscaya – Nakatimbog ang PDEA Region 2 kasama ang mga elemento ng Bayombong Police Station at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU)-Nueva Viscaya Police Provincial Office (NVPPO) ng dalawang sangkot sa pangangalakal ng ilegal na droga sa lalawigan ng Nueva Viscaya.
Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 DWKD RMN Cauayan News Team mula sa PDEA Region 2, nakilala ang dalawang suspek na sina Jaypee Goloyugo na matagal nang minamanmanan sa kanyang mga aktibidad, 20 anyos, walang asawa, isang construction worker at residente ng Bayombong, Nueva Viscaya at Mark Lester Bueno, 21 anyos, walang asawa, isang estudyante at naninirahan sa Mariano Perez sa pareho ding lalawigan.
Ang pagkakaaresto ng dalawa ay nagmula sa sinagawang kunwaring pagbili ng droga ng mga otoridad noong August 18, 2017 bandang alas siyete ng gabi.
Nakumpiska mula sa dalawa ang isang (1) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng isang libong piso.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II of RA 9165.