Estudyante, dinampot ng mga tanod sa Quezon City

Iimbestigahan ng Barangay Apolonio Samson sa Quezon City ang nangyaring pagdakip noong Martes ng gabi ng mga barangay tanod sa isang estudyante na kumuha lang ng kanyang order sa food delivery.

Sa Facebook live ng binata na si LJ Cabangis, alas-10:00 ng gabi ay makikitang sakay ito ng barangay mobile kasama ang mga tanod na dumampot sa kanya.

Makikita rin sa video ang fastfood order ng estudyante.


Katwiran ni Cabangis, hindi makita ng rider ang kanilang bahay kaya kinailangan niyang lumabas.

Paliwanag pa ng estudyante, may limang metro lang ang layo at nasa harap lamang siya ng kanilang bahay pero hindi umano pinakinggan ng mga tanod ang kanyang pakiusap.

Nanindigan naman ang mga barangay tanod na malayo na ang limang metro sa labas ng bahay at malinaw na alas-6:00 ang simula ng curfew.

Facebook Comments