Estudyante, huli sa drug buy bust operation sa Pagadian City

Pagadian City, Philippines – Labis na nagsisisi ang isang naarestong estudyante sa isinagawang drug buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Provincial Intelligence Branch at Pagadian City Police Station sa Balangasan, Pagadian City.

Nakilala ang suspek na si James Bryan Cedenio, 23-anyos estudyante sa isang kilalang kolehiyo ng lungsod.

Nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang dalawang putol na drinking straw na naglalaman ng 3 gramo ng hinihinalang shabu.


Dinala na sa PNP Crime Laboratory ang pinaniniwalaang droga upang isailalim sa isang pagsusuri.

Inihanda na ng mga kinauukulan ang kasong isampa sa suspek dahil sa paglabag sa ilang probisyon ng R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
DZXL558

Facebook Comments