Gang war sa Metro Manila District Jail, muling sumklab

Manila, Philippines – Muling sumiklab ang tensyon sa loob ng Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City kagabi.

Ayon kay BJMP Chief Jail Director Serafin Barretto, mag-aalas-8 kagabi nang magkagulo ang mga miyembro ng Sputnik Gang at Bahala na Gang sa loob ng bilangguan.

Wala naman aniyang nasaktan dahil nakapadlock sa magkahiwalay na dormitoryo ang mga miyembro ng dalawang gang.


Agad din naman nakontrol ang sitwasyon sa kulungan habang inaalam pa ang pinagugatan ng tensyon.

Matatandaang nitong nakalipas na araw lamang ay 2 preso ang nasawi at nasa 15 ang nasugatan matapos magka riot sa pagitan ng Sputnik Gang at Bahala Na Gang sa loob ng Metro Manila District Jail.
DZXL558

Facebook Comments