Estudyante, Nasawi sa Aksidente!

Cauayan City, Isabela – Hindi na nakaligtas ang isang estudyante pagkatapos na maaksidente sa Maharlika Highway ng Tagaran, Cauayan City sa oras na ala una y medya ng umaga, February 23, 2018.

Sa imbestigasyon na isinagawa ng PNP Cauayan City, nakilala ang nasa grade 12 na si Jorge Balboa Jr., residente ng Turod, Reina Mercedes, Isabela.

Napag-alaman na habang bumabagtas si Balboa Jr. sa kahabaan ng nasabing lugar patungong norte na sakay ng kaniyang kulay orange na Yamaha Mio MXi 125 ay bigla na lamang umano nawalan ng kontrol ang manibela lalo na sa palikong parte ng daan.


Dahil dito natumba, tumilapon at bumangga ang motor sa isang tricycle na nakaparada sa gilid ng daan na pag-aari nman ni Geron Mendoza Gerardo ng nasabing lugar.

Itinakbo ng Rescue 922 si Balboa Jr. sa Isabela United Doctors Medical Center (IUDMC) Cabaruan,Cauayan City ngunit pagkalipas ng ilang oras ay binawian ng buhay ang estudyante.

Facebook Comments