Estudyante, Patay sa Salpukan ng 2 Motorsiklo!

630

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang estudyante nang masalpok ang minamaneho nitong motorsiklo bandang 6:15 kagabi sa pambansang lansangan ng Brgy. Marana 1st, City of Ilagan, Isabela.

Ang biktima ay kinilalang si Ley Ignacio, 19 anyos, binata, studyante, residente ng Brgy. Capo, City of Ilagan, Isabela habang ang suspek ay nakilalang si Artemeo Aggarao, 55 anyos, byudo, tractor operator at residente ng Brgy. Marana 3rd, City of Ilagan, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Ilagan City, magkasalungat na binabaybay ng biktima at suspek ang naturang lansangan nang biglang lumihis sa linya ang suspek na dahilan ng kanilang salpukan.

Sa tindi ng kanilang salpukan ay nagtamo ng mga pinsala sa katawan ang biktima at suspek.

Dinala sa magkaibang pagamutan ang biktima at suspek subalit idineklarang dead on arrival (DOA) ang 19 anyos na estudyante.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) to Homicide and Damage to Property na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments

From Advertisers