Salpukan ng Motorsiklo at Sasakyan, 1 Patay, 1 Sugatan!

283

Cauayan City, Isabela- Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang trabahador matapos na sumalpok sa kasalubong na sasakyan ang minamaneho nitong motorsiklo sa kahabaan ng Brgy. Luzon, Cabatuan, Isabela.

Ang nasawi at drayber ng motorsiklo ay kinilalang si Rodel Melendrez, walang asawa, laborer, residente ng Brgy. Liwliwa, Angadanan, Isabela habang ang suspek at drayber ng puting L2 Pickup ay si Daniel Aggabao, 27 anyos, may-asawa, at residente ng Brgy. Old San Mariano, Isabela.


Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake sa sinusundang behikulo ang biktima na sanhi ng pagsalpok nito sa kasalubong na sasakyan.

Nagtamo ng mga pinsala sa katawan ang drayber ng motorsiklo maging ang backrider nito na si Julius Melendrez, 21 anyos, laborer at residente rin ng Brgy. Liwliwa.

Kapwa dinala sa pagamutan ang dalawang sakay ng motorsiklo subalit idineklarang Dead on Arrival (DOA) ang drayber ng motorsiklo.

Kusa namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang suspek at siya’y mahaharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments

From Advertisers