Vendor, Natagpuang Patay sa Loob ng Gusali!

164

Cauayan City, Isabela- Wala nang buhay ang isang lalaki nang ito ay matagpuang nakahandusay kagabi sa loob ng isang gusali sa Brgy Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Mario Tumbaga alyas Daryo, nasa hustong gulang, walang asawa, newspaper vendor at residente ng Cauayan City, Isabela.


Una rito, nang mag-ikot sa gusali ang caretaker na si Milagros Panaga, 62 anyos, residente ng Brgy Alibagu, City of Ilagan, Isabela ay nadiskubre nito ang nakahandusay na katawan ng biktima sa loob ng establisyimento.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Ilagan, walang nakita na anumang senyales o sugat sa katawan ng biktima na posibleng dahilan ng pagkamatay nito.

Gayunman ay nagsagawa pa rin ng pagsusuri sa lugar ang mga personalidad ng Crime Laboratory Office.

Facebook Comments

From Advertisers