Estudyanti Patay nang makuryenti sa loob ng Computer Shop

155

ESTUDYANTE PATAY, NANG MAKURYENTE SA ISANG COMPUTER SHOP
RMN PAGADIAN KENNETH BUSTAMANTE
Patay ang isang 16-anyos na estudyante matapos makuryente sa loob ng isang computer shop sa Brgy. Poblacion, Mahayag Zamboanga del Sur sabado ng umaga. Kinilala ang biktima na si Lianjoe Manlegro Estalante , isang grade 8 student at residente ng sa naturang lugar.
Ayon kay SPO2 Julito Pamalaran, matapos maglaro ang biktima sa “pisonet”, binuksan ng computer technician ang machine upang kunin ang perang natipon sa Built-in box nang tumulong ang biktima ay bigla na lang siyang nakuryente. Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival sa ospital.

Facebook Comments