Pasay Police, ikinalat sa Baclaran para seguraduhin ang seguridad ng mga kapatid nating Muslim na makikiisa sa Eid’l Fitr ngayong araw

Baclaran – Nagpakalat ng mga otoridad ang Pasay Police sa Muslim community sa Baclaran.

Layon nito na matiyak ang seguridad ng mga kapatid nating Muslim na makikiisa sa Eid’l Fitr ngayong araw.

Partikular na pinaigting ang police visibility sa Park ave. Extension, Brgy 79, zone 10, Pasay City.


Ang Baclaran area ay isa sa mga lugar sa Southern Metro Manila na may malaking komunidad ng mga kapatid nating Muslim.

Facebook Comments