Lalaki – patay sa pamamaril sa Batasan, Quezon City

Quezon City – Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Barangay Batasan, Hills, Quezon City kagabi.

Tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ni Paulo Nicor Tanghal, 25 anyos.

Ayon sa mga residente, dakong alas dyes 30 kagabi, nakarinig sila ng mag kakasunod na putok ng baril.


Nagpalipas muna sila ng ilang minuto, bago lumabas ng bahay, at nadiskubre ang bangkay ni Tanghal na nakasubsub sa kalsada.

Walang saksi na gustong magsalita sa pamamaril pero sa inisyal na imbestigayon, posibleng nakatakbo ang biktima base sa nakitang dugo sa kalsada ng kalayaan st patungo sa kasunod na iskenita.

Tikom ang bibig ng mga kaanak sa posibleng motibo sa krimen, pero ibinulgar naman ng ilang residente na sangkot sa iligal na droga ang biktima.

Facebook Comments