Mainit ngayon sa social media ang patutsada nina Ethel Booba at Sass Rogando Sassot dahil sa umano’y utang ng ABS-CBN sa gobyerno.
Sa Facebook post ni Sassot, hiningi niya ang saloobin ng comedian-actress sa hindi pagbabayad ng Lopez family.
Ang pamilyang tinutukoy ng Pro-Duterte blogger ay may-ari ng giant network sa bansa.
Tugon ni Ethel, kailangan managot sila sa batas kapag napatunayan ang alegasyon. Pero hindi dapat madamay ang mga empleyado nito.
“Ano naman masasabi mo sa mga mawawalan ng trabaho? Tablahin na lang natin? Charot!,” pabirong tanong ni Ethel.
Hi Miss @srsasot if may utang ang mga Lopez e di pagbayarin. Siguro naman may batas tayo para dyan. Ano naman masasabi mo sa mga mawawalan ng trabaho? Tablahin na lang natin? Charot! https://t.co/eWfiKsu3iP
— Ethel Booba (@IamEthylGabison) June 2, 2019
Muling sumagot si Sassot na responsibilidad ng TV network ang kapakanan ng kanilang manggagawa. Hirit niya, “takot ka bang hindi makatuntong ng Dos?”
Pinayuhan ni Ethel si Sassot na basahin ulit ang kanyang mga tweets. Dagdag pa niya, walang dahilan para matakot siya sa Dos.
Hi Miss @srsasot please read some of my tweets na sabi ko if may totoong utang edi pagbayarin para di magsuffer mga employees nila. Hello bakit ako matatakot di makatungtong sa Dos ano sila langit? Charot! pic.twitter.com/XKZSuBcZgf
— Ethel Booba (@IamEthylGabison) June 3, 2019
Sa huli, hinamon ni Sassot si Ethel na magkaroon sila ng Live Q&A para patunayan wala siyang ghost writer.
Pero ayon kay Ethel, ghost buster ang meron siya at hindi ghost writer. Nanawagan din siya sa broadcasting company bayaran ang utang sa pamahalaan.
Magbayad na nga kayo @ABSCBN kung totoong may utang kayo. Kawawa naman mga empleyado dagdag pa sa aming nga walang trabaho. Malaki na ata kinita ng TV Plus. Charot!
— Ethel Booba (@IamEthylGabison) June 3, 2019