Pinapatanggal na ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga restrictions at aniya’y masalimuot at nakakaubos ng oras na eTravel registration requirement para sa mga dumarating na biyahero sa bansa.
Layunin ng mungkahi ni Villafuerte, na mahikayat ang mas maraming turista na bumista sa Pilipinas.
Sabi ni Villafuerte, paraan din ito para makumbinsi ang mga dayuhang mamumuhunan na lubos ng nagbukas para sa pagnenegosyo ang ating ekonomiya.
Ang rekomendasyon ni Villafuerte ay makaraang alisin ng World Health Organization (WHO) ang deklarasyong global public health emergency kaugnay sa COVID-19.
Pinayuhan naman ni Villafuerte ang mga Pilipino na mag-ingat pa rin laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod sa minimum public health standards tulad ng pagsasagawa ng physical distancing, at pagsusuot ng face mask lalo na sa mga matatanda, immunocompromised at may comorbidities.