Mga Pinoy na nagpasyang magpaiwan sa Sudan, humihingi ng tulong pinansyal

Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nagpapasaklolo sa kanila ang 24 na mga Pilipino na nagpasyang magpaiwan sa Sudan.

Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, ang naturang Overseas Filipino Workers (OFWs) ay tumangging umuwi ng Pilipinas dahil malayo naman daw sila sa lugar ng kaguluhan.

Sa halip, humihingi na lamang ito ng tulong pinansyal.


Inamin din ni Ignacio na pag-aaralan pa nila ang kanilang panuntunan kung maaari bang mapagbigyan ang kahilingan ng naturang OFWs.

Facebook Comments