Manila, Philippines – Mariing kinundena ng 130 Parties at Organization kabilang ang Party of European Socialist, European Parliament, Central African Progressive Alliance at Arab Social Democratic Forum ang mga nangyayaring patayan sa bansa na may kinalaman sa ilegal na droga.
Ayon kay Arne Lietz miyembro ng European Parliament hindi nila tinututulan ang kampanya ng gobyerno na sugpuin ang paglaganap ng ilegal na droga ang kanilang nais ay tigilan na ang Extra Judicial Killing sa bansa dahil labag ito sa International Human Rights na basta nalang pagpapatayin ang mga walang kalaban laban na mga drug adik.
Paliwanag ng grupo hindi sila naniniwala sa sinasabi ng PNP na nanlaban ang mga adik sa kanilang isinasagawang drug operation kung saan mahigit 3 libo na umano ang napapatay sa drug operation at karamihan dito sinasabi ng mga pulis na nanlalaban sa mga otoridad.
Giit ng grupo nais lang nilang ipaalam sa dapat galangin ng gobyerno ang karapatan ng bawat isa at hindi sila nakikialam sa mga batas na umiiral sa bansa dahil ang kanilang pinupuna lamang ay ang pamamaraan ng pagpatay sa mga pinaghihinalaang gumagamit ng ilegal na droga.