European Union, binuweltahan ni Pangulong Duterte dahil sa pangingialam nito sa panloob na usapin ng bansa

Manila, Philippines – Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo ang European Union (EU) dahil sa pagtatangka nito na makialam sa mga panloob na usapin sa bansa.
 
Sa pagharap ng pangulo sa Filipino Community sa Myanmar, sinabi nitong hindi dapat ipilit ng EU ang kanilang kultura o paniniwala dito sa Pilipinas o kahit pa sa ibang bansa.
 
Giit pa ng pangulo, bakit kailangan pang makialam ng EU parliament.
  
 
Una nang nanawagan ang European parliament na pakawalan ng gobyerno si Senador Leila De Lima dahil biktima ito ng political persecution.
 
 RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila
 

Facebook Comments