Ex-Mayor Mabilog, nakauwi na ng Pilipinas matapos ang pitong taong pagtatago sa abroad

Matapos ang pitong taong pagtatago sa abroad, nakabalik na ng Pilipinas si dating Iloilo Mayor Jed Mabilog.

Alas onse kaninang umaga dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 si Mabilog sakay ng Cathay Pacific flight CX-901.

Si Ex-Mayor Mabilog ay sinundo sa NAIA ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).


Sa travel documents ng dating alkalde, lumalabas na siya ay galing ng New York United States, kung saan certified ito ng konsulada ng Pilipinas doon.

Si Mabilog ay kabilang sa narcolist ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinasabing hinintay niya munang matapos ang termino ng dating pangulo bago siya nagpasyang umuwi ng Pilipinas.

Inaasahan ding magtetestigo sa quad committee ng Kamara si Mabilog hinggil sa kanyang nalalaman sa usapin ng droga sa nakalipas na administrasyon.

Facebook Comments