Inumpisahan na ng Department of Health (DOH) at Department of Migrant Workers (DMW) ang pag-uusap sa posibleng pakikipag-partner para sa “exchange programs” sa ibang bansa na nangangailangan ng medical workers.
Sinabi ni DOH officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire na plano ng DMW na maka-secure ng mga “bilateral partners” na magbibigay ng pondo para sa scholarships habang ang DOH naman ang magbibigay ng bilang ng mga medical workers na kakailanganin.
Nilinaw naman ni Vergeire na kailangan munang manatili ng isang medical graduate sa Pilipinas at manilbihan ng dalawang taon bago sila maipadala sa abroad.
Ayon sa Filipino Nurses United, mahigit 100,000 nurses sa pribadong sektor ang kumikita lamang ng ₱537 kada araw sa Metro Manila at higit na mas mababa sa labas ng Natioanal Capital Region (NCR).
Habang ang mga nurse na nasa gobyerno ay tumatanggap ng “minimum salary” na ₱35,000 kada buwan pero mabigat ang kanilang ginagampanang trabaho