Mahigit ₱200 bilyong realignment sa proposed 2023 budget, paplantsahin ng bicameral conference committee

Nasa ₱215 billion ang halaga ng realignment na aayusin ng bicameral conference committee sa 2023 General Appropriations Bill (GAB) na nagkakahalaga ng ₱5.268 trillion.

Inihayag ito ni House Committee on Appropriations Vice Chairperson at Marikina Representative Stella Quimbo, sa pagsisimula ng Bicam meeting para pag-isahin ang ipinasang bersyon ng Senate at Kamara ng proposed 2023 national budget.

Tiwala naman si Quimbo na hindi mahihirapan ang Senado at Kamara na plantsahin ang mga hindi nagkakatugmang probisyon sa kanilang mga bersyon ng budget.


Sabi ni Quimbo ito ay dahil gabay nila ang Medium Term Fiscal Framework na naglalaman ng 8 point socio-economic.

Facebook Comments