DOH, nakapagtala ng mababang COVID-19 cases sa tatlong magkakasunod na araw

Nakapagtala lamang ang Department of Health (DOH) ng 703 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang ikatlong sunod na araw na mas mababa sa 1,000 ang naitalang mga bagong kaso ng infection.

Bumaba rin sa 17,049 ang active infections ng COVID-19.


Umakyat naman sa 3,946,634 ang total recoveries habang nadagdagan ng apat ang bilang ng mga nasawi kaya ang total deaths na ay 64,504.

Sa ngayon, umaabot na sa 4,028,187 ang nationwide caseload ng infection.

Facebook Comments