Excise Tax mula sa Tabako, Dapat Pahalagahan ng Pamahalaan Ayon sa ULPI!

*Cauayan City, Isabela*- Dapat lamang umano na pahalagahan ng pamahalaan ang kagandahan ng pagtatanim ng tabako dahil sa malaking excise tax na nakukuha ng pamahalaan mula sa tabako.

Ito ang inihayag ni ginoong Winston Pua Uy bilang Pinuno at CEO ng Universal Leaf Philippines Incorporated o ULPI na napakalaking tulong na umano ang isang daan at limampu’t limang bilyong piso na excise tax mula sa tabako ang nakolekta ng pamahalaan.

Malaki rin umano ang kanilang pasasalamat sa tulong narin ng mga LGU’s upang maipaabot ang tulong mula sa Excise Tax sa mga Pilipino lalo na sa mga miyembro ng 4P’s.


Inihayag rin ni ginoong Winston Uy na dito lamang umano ang mayroong magandang health service system kumpara sa ibang mga ahensya ng gobyerno at nagbibigay na rin ng magandang kabuhayan sa ilang mga Pinoy.

Samantala, Noong Galleon trade pa umano nagsimula ang industriya ng Tabako dito sa bansa na ngayon ay tinatamasa na ng mga Pinoy ang katas ng excise tax ng tabako.

Facebook Comments