EXCITED NA! | Dating child star Serena Dalrymple, balik Pinas sa Abril

Manila, Philippines – Magbabalik-bansa ang dating child star na si Serena Dalrymple.

Sa post, ibinahagi ng 27-year old former “Ang TV” star sa kanyang instagram ang throwback video clip ng classic na fast food TV ad niya kasama si Aga Muhlach.

May caption ito na: “Philippines This April!!! Can’t wait!!! My first meal? Hmmmmm… chickenjoy???????”


Nakilala si Serena sa mga pelikulang “Haba-Baba-Doo, Puti-Puti Poo”, “Tong Tatlong Tatay Kong Pakitong-Kitong”, “Tik Tak Toys with my Kolokoys”, at “Bata, Bata Paano Ka Ginawa” kung saan siya humakot ng mga parangal.

Huli siyang nakasama sa pelikulang “Ang Tanging Ina Mo (last na ‘to) na pinagbibidahan ni Ai-Ai Delas Alas noong 2010.

Iniwan ni Serena ang mundo ng showbiz para makapagtapos ng pag-aaral sa London.

Facebook Comments