NBA | 12th straight win ng Rockets, nasungkit kontra Nuggets

NBA – Nangunguna pa rin sa standing ng Western Conference ng NBA ang Houston Rockets

Ito ay matapos na pahiyain ng Rockets ang Denver Nuggets, 119-114.

Nanguna sa 12th straight win ng Rockets si James Harden na nagpakawala ng halimaw na 41 points habang nag-ambag ng 23 points si Chris Paul.


Nasayang naman ang double-double ni Nikola Jokic sa kanyang 21 points dahilan para matuldukan ang kanilang four-game winning streak.

Bukas, sunod na makakalaban ng Rockets ang Utah habang susubukan namang rumesbak ng nuggets kontra Los Angeles Clippers sa Miyerkules.

Facebook Comments