Exit points sa South Korea sakaling lumala ang tensyon sa Korean peninsula, tukoy na ng Philippine Embassy

Manila, Philippines – May exit points nang inilatag ang Philippine Embassy sa South Korea sakaling magpatuloy ang tensyon sa Korean peninsula.

Ayon kay Philippine Ambassador to Seoul Raul Hernandez , nagtakda na rin sila ng mga lugar kung saan isasakay ang mga Pilipino sakaling magkaroon ng evacuation.

Sinabi ni Hernandez na updated na rin ang kanilang contingency plans at nailatag na ito sa Filipino community leaders para maipakalat sa OFWs.


Regular din aniyang nagpupulong ang mga opisyal ng Philippine
Embassy kasama ang Filipino community leaders.

Ayon pa kay Hernandez, mahigpit silang nagmo-monitor sa developments bagamat sa ngayon ay normal pa ang sitwasyon sa South Korea.

Facebook Comments