Manila, Philippines – Sa boto ng 22 mga senador ay nakalusot na sa third and final ang Senate Bill No. 1305 o ang panukalang Expanded Maternity Leave Law of 2017.
Pinapalawig nito sa 120 days, with pay, ang maternity leave ng mga kababaihang nagtatrabaho sa gobyerno at pribadong sektor.
Hanggang 150 days na may sweldo naman ang maternity leave na ipinagkakaloob ng panukala para sa mga single mother.
Mula naman sa kasalukuyang 7 days, ay pinapalawig ng panukala sa 30-days ang paternity leave para sa mga ama na ang misis ay manganganak.
Pangunahing may akda ng panukala si Senator Risa Hontiveros at co authors naman sina Senators Sonny Angara, Francis Pangilinan, Loren Legarda, Nancy Binay, Manny” Pacquiao at Antonio sonny Trillanes IV.
Kapag naisabatas, ang mga lalabag ay mahaharap sa parusang pagkakakulong ng mula anim hanggang 12 taon at multang mula sa lima hanggang dalawampung libong piso.
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila, Grace Mariano
Facebook Comments