Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na posibleng ipatupad na ang Expanded Solo Parent’s Act bago matapos ang buwan ng Oktubre.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, kailangan lamang hintayin ang 15 hanggang 30 araw para sa publication sa mga pahayagan ng naturang batas bago tuluyang maging fully operational.
Kabilang aniya sa mga nakasaad dito ang pagbibigay ng discounts ng mga business establishment sa mga nanay o tatay na solong binubuhay ang kanilang mga anak.
Matatandaang, nilagdaan na ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng nasabing batas noong nakalipas na linggo.
Facebook Comments