Pinag-aaralan na rin ng Commission on Elections (Comelec) ang posibilidad ng pagsasagawa ng “experimental pilot automation” sa ilang piling lugar sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
Sa harap ito ng resolusyon para sa posibilidad na gamitin ang Automated Election System (AES) sa BSKE.
Sinabi ni Comelec Chairman Erwin Garcia na ang panukala ay isang “innovative idea” para mas maging epektibo ang pagbibilang ng mga boto.
Gayunman, kung maisasagawa aniya ang “full automation” ay malabo na itong mangyari dahil sa nasa kalagitnaan na sila ng pag-iimprementa ng mga balota para sa orihinal na plano na manual elections.
Facebook Comments