EXPULSION | Australian Missionary Patricia Fox, posibleng ma-ban na makabalik ng Pilipinas

Manila, Philippines – Posibleng hindi na makabalik ng bansa kahit kailan ang Australian nun na si Sister Patricia Fox kung magmamatigas ito na hindi umalis ng Pilipinas ngayong araw.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Dana Sandoval, magre-resulta ito sa expulsion ni Fox na magiging dahilan para mapasama ang pangalan nito sa immigration blacklist.

Giit ni Sandoval sa mga abogado ni Fox, pauwiin na ang madre sa Australia sa lalong madaling panahon.


Anya, kung mangyayari ito ay papayagan pa rin si Fox na bumalik sa bansa bilang isang Turista.

Una nang sinabi ng kampo ni Fox na mag hain sila ng apela sa Deparmtent of Justice (DOJ) matapos kanselahin ng BI ang missionary visa nito dahil sa pakikilahok sa pulitika ng bansa.

Facebook Comments