Extension Hotel ng Pamahalaang Panlungsod ng Ilagan, Pinasinayaan!

City of Ilagan, Isabela – Pinasinayan kaninang umaga ang dalawang palapag na extension Hotel ng Pamahalaang Panglunsod ng Ilagan, Isabela bilang paghahanda sa nalalapit na 14th Southeast Asian Youth Games.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ginoong Paul Bacungan, Public Information Officer ng City of Ilagan Government sa naging panayam ng RMN Cauayan sa kanya.

Ayon kay Ginoong Bacungan, karagdagang tutuluyan ng mga banyagang atleta na makikilahok sa malalaking Sport Events sa lungsod ang pinasinayaan na gusali.


Kaugnay nito, handang handa na ang City of Ilagan sa mga malalaking Sports Event na gaganapin sa buwan ng Marso.

Magtatagisan ang mga atleta mula sa 11 na bansa para sa 14th Southeast Asian Youth Games sa March 1, 2019 hanggang March 3, 2019 habang gaganapin naman ang Ayala Philippine National Open Championship na lalahukan ng 15 bansa.

Tinatayang nasa higit isang libong manlalaro ang inaasahan para sa magkakasunod na palaro sa lungsod.

Pinaghahandaan rin ngayon ng Pamahalaang Panlungsod ng Ilagan ang gaganaping Batang Pinoy sa March 16 hanggang March 23, 2019 na lalahukan ng mga batang atleta mula sa buong bahagi ng Luzon.

Samantala, magkakaroon ng libreng concert si Arnel Pineda sa opening program ng 14th SEA Youth Games na gaganapin sa Marso 01, 2019 sa Ilagan Sports Complex na susundan ng Fireworks Display.

Facebook Comments