Mindanao – Umiiral ang trough o extension ng Low Pressure Area (LPA) sa Mindanao na magdudulot ng pag-ulan partikular sa mga lungsod ng ang Davao Region, Cotabato, Lanao Del Sur, Bukidnon at Misamis Oriental.
Uulanin ang kanlurang bahagi ng kabisayaan lalo na sa mga bayan ng Aklan at Bacolod.
Sa Luzon, mararanasan pa din ang mainit at maalinsangang panahon lalo sa silangang bahagi partikular sa Tuguegarao, Isabela at Daet.
Sa Metro Manila, mararanasan ang maaliwalas na panahon ngayong weekend.
Samantala, ayon sa PAGASA, tinatayang siyam hanggang labing apat na bagyo ang papasok ngayong taon sa Philippine Area of Responsibility o PAR na mas madami kumpara sa mga nakaraang tao.
Temperatura mula 26 hanggang 34 degrees celsius.
Sunrise: 5:27 ng umaga
Sunset: 6:27 ng gabi