Taguig City – Sasampahan ng kasong kriminal at administratibo ang tatlong aktibong pulis na huli sa entrapment operation ng Taguig City police sa Malunggay Street Arca South, FTI Western Bicutan, Taguig City.
Kinilala ni SPD Director Tomas Apolinario ang napatay na pulis na si PO1 Heraldo Ancheta.
Habang nahaharap naman sa mga kasong kidnap for ransom, robbery extortion at grave misconduct sina;
PO1 Brian Amir Papa Brajo
PO1 Paulo Mechelena Ocampo
PO2 Joey Ermino Mano.
Inirekuminda ni SPD director Apolinario na i-relieve sa pwesto lahat o 39 tauhan ng PCP 1, kasama commander Senior Inspector Joel Villapaña at ililipat muna sa Regional hq at sasailalim din sa drug test.
Nang dumating si NCRPO Director Guillermo Eleazar, sa galit, minura, dinuro at pinagsisigawan ang tatlong pulis na huli sa entrapment operation kaninang madaling.
Pinuri naman ni Eleazar ang Taguig City Police Station sa pagsisikap para ma-neutralize ang KFR group.
Sinabi pa ni Director Eleazar, pag-ibayuhin ang counter intelligence, naniniwala ang opisyal na iilan lamang ang gumagawa ng ganito at itutuloy ang internal cleansing.
Desidido ang opisyal na hanapin ang mga bugok na miyembro ng PNP, higit sa NCRPO.
Magsilbi daw ito babala o warning sa lahat ng tiwaling pulis at umaapela sa publiko na magtiwala sa pulis at isumbong sa pulis ang mga maling gawain ng mga alagad ng batas.
Una rito dinukot ng apat na suspect ang dalawang babae sa kanilang mga bahay sa Lower Bicutan kagabi at hiningan ng malaking halaga ng salapi kapalit ng kanilang kalayaan.