KAKAIBA! | Peruvian man, instant celebrity sa social media dahil sa kanyang cat doodle signature

Peru – Instant celebrity sa social media ang isang Peruvian man dahil sa kakaiba niyang pirma.

Kamakailan nga nang mag-viral online ang pirma ng 31-anyos na si Juan Carlos Varillas Bazan dahil sa halip na typical scribble ng kanyang pangalan, childish drawing ng pusa ang kanyang ginagawa!

July 18 nang maaresto sa Huarmey Town si Varillas Bazan kasama ang limang iba pa dahil sa pagbibitbit ng baril.


Nang papirmahin sa kulungan, nakaagaw sa atensyon ng mga pulis ang pirma ni Varillas Bazan at nang tingnan ang iba pa niyang I.D., childish doodle din ng pusa ang makikita sa signature space.

Ginawa itong katatawanan ng netizens pero may touching story pala sa likod nito.

Kwento ni Varillas Bazan, 16 years old siya nang magkaroon siya ng alagang pusa at sa sobrang pagmamahal niya rito, nagdesisyon siyang gumamit ng doodle kitten bilang pag-alaala sa kanyang alaga.

Facebook Comments