Extradition bill sa Hong Kong, ibinasura na

File photo from AFP

Pormal nang ibinasura ni Hong Kong chief executive Carrie Lam ang kontrobersiyal na extradition bill na nagdulot ng matinding kaguluhan sa naturang bansa sa nakalipas na tatlong buwan.

Inanunsyo ng opisyal ang balita sa pamamagitan ng pre-recorded video nitong Miyerkules.

Ito ay taliwas sa utos ng gobyerno ng Tsina na huwag pansinin ang hinanakit at reklamo ng mga rallysita.


Bago siya maglabas ng pahayag sa publiko, nagpatawag umano si Lam ng pagpupulong kasama ang pulitiko na kampi sa Chinese government para ipaliwanag maigi sa kanila ang kaniyang naging desisyon.

Nakasaad sa ibinasurang panukala na mahahawakan ng pamahalaan at awtoridad ng China ang mga kaso ng iba’t-ibang kriminal na kasalukuyang nakakulong sa Hong Kong.

Hinaing ng mga mamamayan, mawawala ang kanilang kalayaan sa gagawing hakbang ng HK government.

Matatandaang nagsagawa ng malawakang protesta labas sa panukalang inihain ng pinuno kung saan naapektuhan ang operations ng Hong Kong International Airport dahilan para ma-stranded ang libu-libong katao.

Facebook Comments