Friday, March 6, 2026

EXTREME CAUTION HEAT INDEX, NARARANASAN NA SA PANGASINAN

Tatlong araw nang nakararanas ng matataas na heat indices ang Pangasinan na pumapalo mula 37 hanggang 40 degrees Celsius, pasok sa kategoryang Extreme Caution.

Sa naunang panayam sa PAGASA Dagupan, inihayag na mararanasan na ang epekto ng dry season kahit wala pang opisyal na anunsyo, ngunit iihip pa rin ang amihan dahilan ng bahagya pa ring malamig na panahon tuwing umaga at gabi.

Samantala, , unti-unti na rin itong nararamdaman ng ilang motorista, commuters, at mga manggagawa na pawang nasa labas o outdoor ang trabaho lalo tuwing tanghali hanggang hapon.

Paalala ng health authorities, ugaliin ang pag-inom ng sapat na tubig, magsuot ng komportableng damit, at bawasan ang outdoor activities kung kinakailangan.

Samantala,kahapon ng alas onse ng umaga, nakapagtala ng 35 degrees Celsius o extreme caution na heat index sa ilang bahagi ng lalawigan, kabilang ang Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments