Sinuspinde ng Department of Education (DepEd) ang face-to-face classes ngayong araw sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa.
Ayon sa DepEd, layon nitong mabigyan ng sapat na panahon ang mga estudyante na makumpleto ang kanilang mga assignment, projects at iba pang requirements.
Hindi rin required na mag-report sa eskwelahan ang mga teaching at non-teaching personnel.
Hindi naman sakop ng abiso ang mga private school pero maaari rin itong ipatupad ng kanilang school administration.
Nilinaw naman ni DepEd Usec. Michael Poa na walang kinalaman ang anunsyo sa heat index.
Iba-iba aniya ang sitwasyon sa mga paaralan sa iba’t ibang panig ng bansa kaya wala silang blanket suspension dahil sa init ng panahon.
Facebook Comments