Grass fire, sumiklab sa Oslob, Cebu

Isang grass fire ang sumiklab sa Sitio Bongdo sa Barangay CaƱang sa Oslob, Cebu noong Sabado, April 6.

 

Umabot ito sa unang alarma dakong alas-9:33 ng gabi at tuluyang naapula alas-2:15 ng madaling araw kahapon, April 7.

 

Ayon sa Oslob Fire Station, mabilis na kumalat ang apoy dahil tuyo ang mga damo.


 

Bukod sa Barangay CaƱang, apektado rin ng grass fire ang bundok na bahagi ng Barangay Poblacion, Upper Calumpang, Daan Lungsod at ang DENR Preserved Area.

 

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang posibleng sanhi ng sunog.

Facebook Comments