Sunday, January 18, 2026

Face mask free sa mga residenteng nabakunahan na sa South Korea, ipapatupad na simula sa Hulyo

Maaari nang hindi magsuot ng face mask ang mga nabakunahan laban sa COVID-19 sa South Korea simula sa Hulyo.

Ayon kay Prime Minister Kim Boo-kyum, layon nitong mahikayat pa ang mga 52 milyong residente na magpabakuna hanggang sa buwan ng Setyembre.

Ibababa naman ang quarantine measure sakaling mababakunahan na ng unang dose ang 70% na residente ng bansa.

Sa ngayon, mayroon nang 137,682 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa South Korea.

Facebook Comments