Pinagtatrabaho ng grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang konseho ng lungsod ng Quezon para amyendahan na ang Ordinance 2965 o ang Mandatory Wearing of Face Shield.
Ito ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton ay dahil ang pangulo na mismo maging ng Department of Health (DOH) ang nag-anunsyo na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield maliban sa closed places, crowded places, at closed contacts.
Sabi ni Atty. inton, dapat ay maalis na sa kontrobersyal na ordinansa ang multa at pagkakakulong ng isang violator sa ikatlong beses nitong paglabag.
Nangangamba ang LCSP dahil maari pa ring magamit ng ilang tiwaling local law enforcers ang umiiral na ordinansa kung walang pag-amyenda at paglilinaw dito ang konseho ng lungsod.
Kabilang sa penalty ang pagbabayad ng P300 hanggang P1,000 na may kasama pang imprisonment sa third offense.
Una na ring sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at DOH na hindi dapat multahan o ikulong ang walang suot o maling pasusuot ng face shield habang pagbabawal lamang pumasok sa mga establisyemento o hindi papayagang makasakay sa public transport ang magiging parusa.