Cauayan City,Isabela- Pinili ng nakararaming mag-aaral, magulang at mga guro ang ‘face-to-face’ classes na nakikitang mabisang paraan ng pagtuturo sa nalalapit na pasukan sa Agosto 24, sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Cauayan.
Ito ay batay sa lumabas na resulta ng survey na isinagawa ng Schools Division Office-Cauayan City.
Batay sa pakikipag-ugnayan sa nakararaming magulang at guro, maghihintay pa rin na maglabas na pinakahuling desisyon ang pamunuan ng Department of Education sa usapin ng ‘new-normal learning’.
Lumalabas din sa talaan, pawang mga Grade 4 hanggang Grade 6 ang may mga kagamitan sa pagsasailalim sa online learning.
Sa kabila nito, tinatayang nasa 47% ang mga guro mula sa Kindergarten hanggang Grade 3 ang walang magagamit na Laptop sa pagtuturo sakaling ipatupad ito ng ahensya habang 65.48% sa mga guro ang may gamit na smartphone o laptop o katumbas ng 480 guro sa 1,237 ang mayroong gadget subalit umaasa lang sa ‘free-mobile data’.
Lumabas pa sa survey, 4% ng mga guro mula sa Junior High school ang walang smartphone/laptop na gagamitin kung sakaling maipatupad ang online learning.
Sa tala ng SDO Cauayan, umakyat sa 12, 373 ang bilang ng mga radyo ang kakailanganin na maipamigay sa bawat pamilya na mayroong mga mag-aaral habang pumalo na sa 32, 890 ang kabuuang bilang ng mga enrollees sa parehong pribado at pampublikong paaralan sa siyudad.